Sunday, December 5, 2010

CHIKA!!!!!!


CHIKA-WERLA!
Mga nagbabagang showbiz balita sa loob ng klase ng 1-1 ECE




Jayson, ADDICT?
Napapabalitaang ang magaling at matalino pagdating sa math na si Jayson U. Lagata na taga 1-1 ECE ay addict? Oo , addict sa DOTA. Ayon sa mga nakakita sa kanya, paminsan-minsan ay madaling araw na daw itong umuwi sa kanilang boarding hause galing sa internet café naglalaro ng DOTA. Pero kahit nahuhumaling na itong si Jayson sa DOTA, hindi pa rin matatawaran ang galing at husay niya pagdating sa math o sa kahit anung asignatura.









Sino 2?

Sino itong boyletz na ito na hating gabi na ng umuwi sa kanilang boarding hause dahil tinulungan pa niya ang kanyang kasintahan na gawin ang proyekto nito. At dahil nakalock na ang gate, umakyat nalang sya sa itaas nito.

Itago natin siya sa pangalang:
JOSE PROTASIO MERCADO RIZAL Y ALONZO REALONDA






Sino rin itong boyletz na ito na medyo may katangahan dahil nawala niya ang kanyang I.D.  At pagkaraan ng ilang araw ay nakita rin nya ito sa loob ng kanyang bag! Ang boyletz na ito ay sikat dahil sa kanyang cool hairdo.

Itago natin siya sa pangalang:
JUSTIN BIEBER




Ang artikulong ito ay isinulat nina:
Ryan James I. Valzado at Johnuel Lester G. Villarojo

REKLAMADOR!!

KALOKOHAN



KALOKOHAN

Unang araw ng klase’y balot ng katahimikan
Tila’y mababait na anghel kung silay titingnan
Ngunit ‘di naglaon, umusbong ang kalokohan
Kalokohan na naging dahilan ng kaingayan

Ibat-ibang karakter ang makikita mo
Walang humpay na sigawan ang maririnig mo
Para bang dumating si Kim Bum sa campus
Hinahangaan lang pala nila ang nasa labas

Sa facebook bubulagta, mga nakaw na kuha
Pagpipistahan ng komento, ang akala mo’y sikat kana
Titiisin ang lahat pati gutom makapaglaro lamang ng Dota
Asignatura’y di papasukan masilayan lamang ang Dota

Ngunit pagdating ng eksam, lahat ay tudo aral
Makamit lamang ang tres na pinakamamahal
Ngunit sadyang kay pait ng buhay na ito
Tres na inaasam napalitan ng singko

SA ROOM 304

Sa Room 304
 
 
 
Dito nyo lang makikita
Mga estudyanteng talagang kakaiba.
Di mahahalintulad sa ibang seksyon
Ni Mr.Altes.
 
Wala silang JAYSON! Abat flat one ang nga grado niya,
Meron pang JOSEPH at CEDRIC na pumapangalawa
Sina VIVIEN, COLEEN at CHERRY di pahuhuli sa kanila.
Pati na si DREFZIL na“ Einstein Girl” ang tawag sa kanya.
 
Mayroon din kaming mga magagandang dilag
Andyan sina DIANNE, MARY GRACE at DIANNY
Si QUEENSETTE na hinahabol ng mga M.E.
Sa ganda ba naman nila ikaw nga ay maghahalina.
 
Mapapabilib ka din sa mga music lovers naming kaklase
Banggitin ba naman sina DECELLY, KENNETH at FRANCIS
Sa tinig nila mapapainlove kang talaga.
                                   
                        Hindi pahuhuli sina JOHNUEL, JAZZEL, SHEINA at MARYCON
                        Sa bawat indak nila wala ka nang hahanapin pa.
                        Sumabay sa tugtog nilang musika.
                        At bumilib sa taglay nilang galling
 
                        Mainit at masikip man sa loob ng aming klasrum
                        Mga talentado’t matatalinong kolehiyala
                        Dito niyo lang makikita…….Sa ROOM 304.
 
 
 
 
 
                                                                                                By:
                                                                                                Cecil Ann Nerosa
                                                                                                Dianny Mae Davis  

PANATANG KAIBIGAN

Panatang kaibigan

Iniibig ko ang aking friends
Ang tumatanggap sa aking kahibangan
Tagapunas ng aking luha
Tinutulungan ako maging malakas
Maligaya at mas maligaya kahit wala akong pakinabang
Bilang ganti ay ibibigay ko ang aking tiwala
Ililibre ko sila ng pagkain pag ako ay may pera
Susunduin ko sila kapag may kotse ako
Sisipain ko ang sinumang umaway sa kanila
Sa pigi, sa hita at sa mukha

ni Venjo Lagrimas "Venj" for short