Sunday, December 5, 2010

KALOKOHAN



KALOKOHAN

Unang araw ng klase’y balot ng katahimikan
Tila’y mababait na anghel kung silay titingnan
Ngunit ‘di naglaon, umusbong ang kalokohan
Kalokohan na naging dahilan ng kaingayan

Ibat-ibang karakter ang makikita mo
Walang humpay na sigawan ang maririnig mo
Para bang dumating si Kim Bum sa campus
Hinahangaan lang pala nila ang nasa labas

Sa facebook bubulagta, mga nakaw na kuha
Pagpipistahan ng komento, ang akala mo’y sikat kana
Titiisin ang lahat pati gutom makapaglaro lamang ng Dota
Asignatura’y di papasukan masilayan lamang ang Dota

Ngunit pagdating ng eksam, lahat ay tudo aral
Makamit lamang ang tres na pinakamamahal
Ngunit sadyang kay pait ng buhay na ito
Tres na inaasam napalitan ng singko

No comments:

Post a Comment